PAGOD ka na ba sa kahihintay na umusad ang matinding trapik? Mas mataas ang polusyon na nabubuo sa loob ng nakatigil na sasakyan kaysa umaandar ang mga ito. Kaya, ang research na inilabas ng journal na Environmental Science: Processes and Impact, ay may iminumungkahing solusyon: Panatilihing sarado ang mga bintana ng sasakyan.
Inilarawan ng World Health Organization (WHO) ang polusyon sa hangin bilang “major environmental risk to health,” na iniuugnay sa 3.7 premature deaths sa buong mundo noong 2012.
Nagdudulot ang air pollution ng lung cancer, asthma at iba pang mga sakit sa baga, at iniuugnay rin ito sa sakit sa puso at stroke. Lahat ng ito ay nakamamatay.
Noong 2013, tinukoy ng WHO ang outdoor air pollution sa mga lungsod bilang carcinogenic sa mga tao tulad ng paninigarilyo noong Pebrero 1985.
Sa United States, ang pagkaka-expose sa air pollution ay ikawalong nangungunang dahilan ng kamatayan kada taon. Sa London sa United Kingdom, tinatayang sampung beses na mas mataas ang bilang ng kamatayan dulot ng air pollution kaysa pagkamatay na dulot ng road traffic.
Ipinakita sa research na pinangunahan ni Dr. Prashant Kumar, mula sa University of Surrey, United Kingdom, na ang 25 porsiyento na pagkaka-expose sa nakasasamang particles habang nagmamaneho ay nangyayari sa 2 porsiyentong oras na dumadaan ang minamanehong oras sa intersection na may traffic lights.
IWASANG MAGTAGAL SA INTERSECTION
Mas mataas ng 29 na ulit ang polusyon sa mga intersection kumpara sa open road.
Sa intersection, bumabagal ang mga sasakyan, humihinto, umaandar kapag naging berde na ang traffic light, habang magkakalapit ang mga sasakyang sa bawat isa.
Sa bagong pag-aaral, naghahanap ng solusyon si Dr. Prashant at ang kanyang team.
Kumuha ng sukat ng particulate matter ang mga scientist sa umaandar na sasakyan sa limang magkakaibang ventilation setting.
Tumakbo ang sasakyan ng 6 kilometro at dumaan sa 10 iba’t ibang traffic light.
Gumamit din sila ng sukat sa 3-way at 4-way na intersection na pinamamahalaan ng mga traffic light.
Nais makita ng mga awtor kung nakakaapekto ang magkakaibang ventilation sa particulate matter na nasa loob ng sasakyan. Tiningnan din nila at ikinumpara ang lebel ng polusyon sa sasakyan sa nararanasan ng mga pedestrian sa pagtawid sa daan sa mayroong traffic lights.
Nakita sa resulta na epektibo ang ventilation system ng sasakyan para tanggalin ang coarse particles mula sa hangin, ngunit habang bumababa ang konsentrasyon ng coarse particles, tumataas naman ang bilang ng fine particles. Ang pinakamataas na lebel ng polusyon sa sasakyan ay nangyayari kapag nakasara ang mga bintana nito sa traffic light at nakabukas ang fan.
Exposed din ang mga pedestrian sa intersection sa mas mataas na polusyon, ngunit ang lebel ng particulate matter na nalalanghap ng mga motorista ay pitong ulit na mas mataas kumpara sa nararanasan ng pedestrian.
ISARA ANG BINTANA AT FAN
Para mabawasan ang nalalanghap na pollution habang naghihintay sa traffic at nasa traffic light, iminumungkahi ng mga author, na dapat isara ang bintana ng mga sasakyan at patayin ang fan. Ang ganitong paraan, sabi nila, ay nakababawas ng posibilidad na makalanghap ng mapanganib na lebel ng polusyon sa hangin ng 76 porsiyento.
Inirekomenda rin nila na ayusin ang setting ng fan para maging maayos ang pag-ikot ng hangin sa loob ng sasakyan.
Naiiwasang makapasok ang polusyon mula sa labas ng sasakyan kung iri-re-circulate ang hangin.
“Where possible and with weather conditions allowing, it is one of the best ways to limit your exposure by keeping windows shut, fans turned off and to try and increase the distance between you and the car in front while in traffic jams or stationary at traffic lights.
“If the fan or heater needs to be on, the best setting would be to have the air re-circulating within the car without drawing in air from outdoors. Of course improving the efficiency of filtering systems of vehicles in future could further benefit to curtail the on-road exposure in such situations,” ani Dr. Prashant Kumar.
Noong 2015, ipinabatid ni Dr. Prashant at ng kanyang team sa mga nagmamaneho ang panganib na dulot ng polusyon sa mga intersection, at iminungkahi na panatilihin ang distansiya mula sa sasakyan na nasa harap nila dahil nakakabawas ito ng panganib.
Hinimok din ng mga researcher ang mga pedestrian na humanap ng rutang lalakaran na hindi kabilang ang mga signalized traffic intersection. Sinabi rin nila na maaaring makatulong ang mga awtoridad ng local transport sa pagtutugma ng mga traffic signal, at nakakabawas ito ng oras sa paghihintay. Nakatutulong rin sa problema ang mga alternatibong traffic management system tulad ng flyovers. (Medical News Today)