GINULAT ng Encantadia actress na si Solenn Heussaff ang kanyang Instagram followers nang mag-post siya ng kanyang semi-nude photo kamakailan.

Kuha ito sa Bali, Indonesia nang sumama siya sa celebration ng bachelorette party ng kanyang matalik na kaibigan at former Eat Bulaga host na si Isabelle Daza. Agad umani ng positive feedback ang post na ito ni Solenn. Katunayan, as of this writing, meron na itong mahigit 40,000 likes sa Instagram.

 Samantala, ibubunyag na ni Solenn ang sekreto kung paano niya napapanatili ang kanyang sexy figure sa kanyang librong Hot Sos na ilalabas na sa bookstores sa mga susunod na araw. Ipapakita niya sa nasabing libro ang ilan sa routines at exercises na kanyang ginagawa para ma-achieve ang kanyang sexy body.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter