Kris copy copy

SAAN kaya dadalhin ni Kris Aquino ang kahon-kahong gamit niya mula sa kanyang Green Meadows home na inempake niya noong Miyerkules ng gabi.

Ang post ni Kris sa kanyang Instagram account, “Goodbye 111 Greenmeadows Avenue -- we spent our 1st night here November 30, 2013. And tonight, August 31, 2016 we’re spending our last night. This home brought us many blessings & many happy memories, including forever etched in my heart unforgettable #KrisTV episodes. Goodbye to QC for now, we’ll be back once our new home is done.

“A special thank you to LBC for helping us move, YES, #PanatagKaNaDaratingAngPagibigMo.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sitsit ng aming source, sa bahay ni dating Presidente Noynoy Aquino raw muna pansamantalang maninirahan ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby habang ginagawa pa ang bahay na lilipatan nila na aabutin daw ng siyam na buwan pa.

“Pansamantala lang sila Kris sa bahay ni PNoy kasi hindi naman sila kasya ro’n, ang alam ko, magre-rent sila muna ng condo,” sabi ng aming source.

Tanong namin, saan dadalhin ang napakaraming kahon ng LBC na pinaglalagyan ng gamit ng Queen of All Media?

“Baka sa bahay muna ni PNoy or baka iuupa ng unit din,” pabirong sagot sa amin.

Anyway, hinihintay pa rin ng netizens ang official statement ni Kris tungkol sa balitang lumipat na siya ng GMA-7.

Pero tulad nga ng nasulat ni Katotong Jimi Escala, hindi pa siguradong sa GMA-7 na magkakaroon ng shows si Kris dahil balitang interesado pa rin ang ABS-CBN sa Queen of All Media.

Kuwento rin sa amin ng kaibigan namin sa GMA-7, “Honestly, tahimik dito, walang sinasabi kung anong shows ni Kris, if ever, hindi naman ito station produced kasi under siya ng APT ni Mr. Tony Tuviera, so blocktimer ‘yun. 

Ang tanong din namin, anong show o anong timeslot?”

Pero may nagsabi naman na online show daw ang gusto ni Kris na ang APT Entertainment din ang mamahala at travel show daw ang concept nito.

Well, lahat naman ay haka-haka at mas mabuting si Kris pa rin ang magkuwento kung ano ba talaga ang totoo.

May alam ka ba, Bossing DMB?

(Wala po, alamin natin, he-he... --DMB) (REGGEE BONOAN)