sandara copy copy

TITIGIL na siguro si Joross Gamboa sa pagma-match kina Sandara Park at Thai actor Mario Maurer dahil nang finally magkita na ang dalawa, hindi raw nakaramdam ng spark si Sandara. Pati rin siguro si Mario hindi nakararamdam na may spark sila, kaya give up na siguro si Joross.

Si Mario sana ang nakita ni Joross na babagay kay Sandara na close friend niya at gusto niyang magka-love life na.

Kaya lang, magkaiba ng wavelength ang dalawa, kaya hanap na lang uli si Joross ng ima-match kay Sandara.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Samantala, hindi mawawala sa GMA-7 si Joross dahil pagkatapos ng Juan Happy Love Story na magtatapos na ngayong gabi, mapapanood si Joross bilang isa sa mga contestants ng Superstar Duets.

“Hindi ako professional singer at hindi ko nga alam kung bakit nasama ako rito. Naisip ko na lang na gawin ko itong stepping stone para sa mga pista sa probinsiya. Puwede na akong kumanta ‘pag naimbitahan ako.

“Pinaghandaan ko ito. Seriously, we just want to entertain the viewers,” ayon kay Joross.

Dagdag pa ni Joross, noong una parang ayaw niyang tanggapin na mapabilang sa contestants ng Superstar Duets dahil alam niya ang kanyang kapasidad.

“Ayaw ko namang tanggihan ang mga ganitong chances na maipakita ang iba kong talents ha-ha-ha! Kaya sige na nga, pumayag na rin ako.

“Araw-araw nga akong nagpapraktis, lagi akong naka-headphone dahil si Adele ang ka-duet ko. Sana suportahan ako ng Juan Happy Love Story family ko,” wish ni Joross.

Singing competition ang Superstar Duets, pero mas maraming katatawanan sa taping at maging sa presscon. Sabi nga ni Joross, sana kayanin ng editor ang pag-i-edit ng episodes nila dahil tawanan sila nang tawanan.

Ngayong nakatikim mag-comedy sa Juan Happy Love Story at dito sa Superstar Duets, gusto niyang mag-apply na production ng GMA-7 at maging part ng creative team ng comedy shows ng network.

Gusto sanang makatrabaho ni Joross si Michael V na idol daw niya.