WILLOW AT JADEN copy

NAGPAPASALAMAT ang magkapatid na Jaden at Willow Smith sa kanilang magulang na sina Jada Pinkett at Will Smith sa pagbibigay sa kanila ng inspirasyon na baguhin ang mundo.

Nakapanayam kamakailan ng singer na si Pharell Williams ang magkapatid para sa isang magazine.

Inihayag ng 18-year-old na si Jaden kay Williams na nais nila ng kapatid na si 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Willow, 15, na makibahagi sa pagbabago ng mundo sa positibong paraan at iwanan ito na mas maayos kaysa nang madatnan nila ito.

Inamin ni Jaden na madalas silang magkaasaran ni Willow, pero hindi na ngayon. Napagtanto nila na sila ang “yin” at “yang” ng isa’t isa.

Nang tanungin ni Williams kung ano ang nakikita nila sa sarili sampung taon simula ngayon, ang sagot ni Jaden, siya’y “gone” na. Ang sagot naman ni Willow ay, “living off the land” at nararanasan ang buhay “in the most pure, natural way possible.” (AP)