Nagsalansan ng pinagsamang 22 puntos sina Aaron Fermin at Guilmer de la Torre sa fourth period upang pangunahan ang Arellano University sa 92-76 dominasyon kontra University of Perpetual Help kahapon at makopo ang solong pangunguna sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Angat lamang ng tatlong puntos sa third period, 72-59, naisalpak ni de la Torre ang 10 sa kanyang career- high 36 puntos sa fourth canto habang ipinoste naman ni Fermin ang 12 sa kanyang kabuuang 18 puntos para sandigan ang Arellano sa ika-13 panalo sa 14 laro.

Abante sila sa nakabuntot na San Beda (12-1).

Nanguna naman sa junior Altas si Jielo Razon na may 22 puntos at anim na rebound.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nauna rito, inungusan ng Emilio Aguinaldo College- ICA ang Lyceum of the Philippines Junior Pirates(6-7),78-76.

Nagposte ng 20 puntos at pitong rebound si Maui Cruz para pamunuan ang nasabing panalo ng Brigadiers at mahila ang karta sa 2-11.

Nagtapos namang topscorer si Mckaude Guadana para sa Junior Pirates sa naiskor na 16 puntos. (Marivic Awitan)