JENNYLYN copy copy

MASAYA si Jennylyn Mercado sa bago siyang show sa GMA Network, siya ang magiging host ng Superstar Duets na mas relaxed at lagi raw siyang tumatawa.

Kaya ang pabirong sabi niya, pahinga muna siya sa pag-iyak, sampalan at sabunutang mga eksena.

Masaya ang show dahil ang walong makakasama niya ay hindi lang mahuhusay kumanta kundi mahuhusay ring magpatawa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Hindi ko po alam na ganoon pala sila kahuhusay,” sabi ni Jen. “Kaya hindi lang ninyo sila magugustuhan bilang singers kundi mga witty at funny pa. Huwag po ninyo kami i-miss panoorin para sumaya ang Sabado ninyo, simula na sa September 3, pagkatapos ng Magpakailanman.”

Sina Mike “Pekto” Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang ang tinutukoy ni Jennylyn na makakasama niya.

Naitanong kay Jen ang tungkol sa My Love From The Stars teleserye na dapat ay gagawin niya, kung nabasa ba niya ang bashings sa kanya nang unang lumabas na si Alden Richards ang makakatambal niya, na siyempre ay ayaw ng fans nina Alden at Maine Mendoza.

“Hindi naman maiiwasan iyon, pero hindi ko na lang po binasa para walang negative vibes. Saka nakita ko naman na maayos ang pagsasama ng dalawa kaya hayaan na natin sila.

“Saka wala pa po rin namang nakukuhang makakatambal ko, nagpapa-audition pa naman ang GMA, bahala na po sila roon.

Alam ko rin, na wala pang vacant slot sa primetime ng GMA, kaya malamang talagang next eyar na ako gagawa ng bagong soap.”

Ilang araw nang nagpu-post si Dennis Trillo ng suporta para sa pagho-host ni Jen ng Superstar Duets at sa bago niyang album na Ultimate na may grand launch sa September 23. Pero nang tanungin si Jen tungkol sa pagiging open na ni Dennis sa kanilang relasyon, nakiusap siyang huwag na lamang niyang sagutin, gusto raw niyang magkaroon na ng privacy ang personal life niya.

“Gusto ko rin pong magtira ng privacy sa buhay ko, iyong tahimik na lang. Kahit po iyong sa anak kong si Jazz, ayaw ko na rin po siyang isali sa showbiz. Mas maganda iyong he lives a normal life lalo pa at nag-aaral na nga siya.”

Nagkatawanan nang may patuloy pa rin tanungin si Jen tungkol sa kanila ni Dennis, ngumiti na lang, hindi na sumagot, at nakipag-selfie na lamang siya sa entertainment reporters. (NORA CALDERON)