Isinusulong ng dalawang mambabatas ang pagtatayo ng isang freshwater aquaculture center para sa pagpaparami at produksiyon ng freshwater at crustacean species sa Agus River sa Baloi, Lanao del Norte.

Layunin ng House Bill 5788 nina Lanao del Norte 1st District Rep. Imelda Quibranza Dimaporo at Lanao del Norte 2nd District Abdullah D. Dimaporo ang maraming benepisyo, tiyaking sapat ang pagkain, magkaloob ng kabuhayan at mapasigla ang kita ng mga tao sa pamamagitan ng aquaculture industry.

Ang mangangasiwang ahensiya ay tatawaging Lanao del Norte Freshwater Aquaculture Center at isasailalim sa regulasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA).

Batay sa panukala, gagamitin ang center sa pananaliksik, breeding at produksiyon ng tilapia, karpa, pangasius, hito at iba pang isdang-tabang at crustacean species. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito