Maine Broadway copy

UMUWI ng Pilipinas si Maine Mendoza noong Biyernes, Agosto 26 with a slight fever. Pero being a professional, kahit hindi maganda ang pakiramdam, hindi niya puwedeng hindi samahan ang dalawang lola niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil may “Lola’s Concert” sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) noong Sabado sa Broadway Studio, na inihanda ng kanyang ka-love team na si Alden Richards.

Syempre pa, hindi lang sina Alden, mga lola at ang Dabarkads ang masaya kundi maging ang AlDub Nation na na-miss si Maine sa isang linggong pagkawala niya sa show.  

‘Di pa masyadong okay ang pakiramdam ni Maine kaya naupo na lamang at pinanood ang concert ng mga lola at ni Alden. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kinabukasan, Linggo, habang nagpapahinga sa bahay sa Bulacan, nagkaroon ng time si Maine na magsulat ng short blog update at inilabas niya ito before midnight ng Sunday. Titled,“Sunday Currently I 08” at may subtitle na “Feeling” hindi itinago ni Maine ang tuwa niya sa pagpanood niya ng concert ng Coldplay, heto ang blog entry ni Maine:

“Happy talaga ako sa Coldplay. Haha! It’s not something you can get over so easily! If you only knew how much I love them, you’d understand. And if you only knew how wonderful their songs are and how stunning Chris Martin’s voice is, uggh you’d understand even more. Ganito kasi yan, eh. There are only a major things that I look forward to in this life; 1. See Coldplay perform live 2. Get married 3. Have kids 4. Be lost.

“Simple lang, I am not even kidding with number 1. Number 2 and 3 comes with living a happy and fruitful life – I hope. Number 4? Nevermind, but I know some of you are looking forward to it as well. ‘evil laugh’?

“Hihi! Anyway I am also feeling hungry. Food, anybody? (Binanggit pa ni Maine, na gusto niyang kumain ng ramen, pero hindi na raw dapat dahil dalawang beses na siyang kumain nito at ang isa pa niyang paboritong laksa ang gusto naman niyang kainin.)

“Hope you guys had a great week and I wish you a greater week ahead. Have a happy September, everybody!”

Ikinatuwa ng AlDub Nation ang bagong laman ng blog ni Maine lalo na ang number 2 at 3. Sila yata ang love team na ang dream ng fans ay makita na silang ikinakasal at magkaroon ng anak, kahit ngayon na, at patuloy pa rin nilang susuportahan. Masaya sila lalo na kung binibiro nina Vic Sotto, Sen. Tito Sotto at Joey de Leon sina Alden at Maine kung sakaling maging mag-asawa sila, ilang anak ang gusto nila, kung kambal, at pati pangalan ng babies ay may ready na rin si Alden.

Tilian sa studio nang tanungin ni Tito Sen si Alden kung ano ang gusto niyang pangalan ng anak nila kung lalaki at babae. Sagot ni Alden: “Actually, nasabi ko na po ito kay Maine, kung lalaki gusto ko ‘Siegfriend” (isang German legendary hero) at kung babae, gusto ko ‘Athena.’ (Greek goddess of wisdom, courage, inspiration).” (NORA CALDERON)