Napanatili ng Arellano University at defending champion San Beda ang pamumuno matapos magwagi sa magkahiwalay na laro kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Dinurog ng Braves ang Letran Squires, 107-77, habang pinataob ng reigning seven-peat champion San Beda ang University of Perpetual Help, 93-81.

Muling nanguna sa Braves si Guillmer dela Torre na nagposte ng 30 puntos na kinabibilangan ng anim na three-pointer, habang nag-ambag sina Aaron Fermin at Carlo Abadeza ng pinagsamang 33 puntos at 25 rebound.

Dahil sa panalo, umangat ang Braves sa kanilang ika-11 panalo sa 12 laro.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sumandal naman ang Red Cubs sa dating Junior Altas na si Germy Mahinay na may 12 puntos na sinundan nina Joshua Tagala at Ry dela Rosa na may tig-11 puntos.

Bumagsak naman ang Letran sa barahang 5-8 at may 4-9 marka ang Perpetual Help. (Marivic Awitan)