Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

10 n.u. – PMMS vs Benilde

12 n.t. – UP vs Ateneo

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. – UP vs NU

6 n.g. – UST vs Ateneo

Sisikapin ng University of the Philippines na maipagpatuloy ang pag- angat sa team standings sa pagsagupa sa defending champion National University ngayon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference quarterfinals sa Philsports Arena sa Pasig City.

Galing ang Lady Maroons sa matikas na 25-18, 14-25, 25-20, 25-18 panalo kontra Ateneo Lady Eagles na nagbigay buhay sa kanilang kampanya na makasikwat ng isang upuan sa Final Four.

“We don’t know if we’re still going to have to practice but definitely we’ll have a meeting,” pahayag ni coach Yee.

Nasa ikatlong puwesto ang Lady Maroons sa likod ng Lady Bulldogs at Far Eastern University Lady Tamaraws na kapwa may markang, 3-1.

Magtatapat ang UP at NU ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng tapatan nang nasibak na University of Santo Tomas at Ateneo sa 6:00 ng gabi.

Galing din sa panalo ang Lady Bulldogs kontra sa dating walang talong Lady Tams noong Miyerkules.

Muling aasahan ni Yee sina Isa Molde, Katherine Bersola, Marian Buitre, Diana Carlos, Justine Dorog, at Nicole Tiamzon .

Sa kabilang dako, sasandig naman si coach Edjet Mabbayad kina Jaja Santiago, Aiko Urdas, Risa Sato, Jorelle Singh, Roma Doromal, Kathryn Paran at league’s leading setter na si Jasmine Nabor.

Samantala, tatangkain ng defending champion Ateneo na makumpleto ang sweep sa eliminations sa pakikipagtuos sa UP sa Group B ng Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference ganap na 12:00 ng tanghali.

Sa isa pang laro, haharapin naman ng bokya pa ring Philippine Merchant Marine School ang St. Benilde sa unang laban ganap na 10:00 ng umaga. (Marivic Awitan)