Rihanna, Drake copy

MULI na namang umiingay ang romance rumor nang sorpresahin ni Drake si Rihanna ng over-the-top gesture.

Bumili ng billboard ang rapper banda sa Los Angeles para i-congratulate ang songstress sa tatanggaping prestihiyosong Michael Jackson Video Vanguard Award sa 2016 MTV Video Music Awards

“Congratulations to Rihanna from Drake and Everyone at OVO,” nakasaad sa Billboard.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Mukha namang napukaw ang atensiyon ni RiRi sa pagtugon nito sa regalo ng rumored boyfriend noong Biyernes. “When he extra,” caption ng singer sa litrato ng billboard na may heart at trophy na emojis.

Sa eksklusibong impormasyon sa People mula sa isang source sa unang bahagi ng taon nalaman na secretly dating ang dalawa.

“They have been keeping it a secret because this time around, they want to do it right and keep their relationship private,” saad ng source na malapit sa couple. Dagdag pa ng isang insider: “They are still dating. Things get more serious when they’re in the same place.” 

Unang nag-tweet ang Black-ish star na si Yara Shahidi tungkol sa regalo ni Drake.

Inihayag nitong nakaraang Biyernes na si Rihanna ang magbubukas ng show. Bagamat wala pang major details tungkol sa kanyang VMA performance, sinabi ng executive producer ng show na si Jesse Ignjatovic sa Entertainment Weekly kamakailan na, “Everyone will be surprised with what she’s done to make this honor her own and something that’s extremely impactful.” 

Dagdag pa, “I can tell you it’s going to be one of those holy crap VMA moments.” 

Hindi kaya magkaroon ng surprise appearance si Drake? (People.com)