kYLIE copy

ALAM ni Kylie Jenner kung kailan mananahimik. Dahil sa food poisoning, nagkaroon ng maikling break ang reality star sa Snapchat. Nang bumalik mula sa kanyang hiatus noong Huwebes, kapansin-pansin na lumaki ang kanyang dibdib, kaya nagsimula ang mga haka-haka ng fans na baka ang “food poisoning” ay nangangahulugan ng “boob job.”

Sa kuha sa kanya na nakasuot ng plunging gray top, agad napansin ang lumaking cleavage ng 19-year-old. Ngunit sa impromptu Q&A sa Twitter, agad niyang nilinaw ang espekulasyon tungkol sa paglaki ng kanyang dibdib. Nang tanungin ng isang fan kung nagparetoke nga ba siya, ang tugon ni Kylie, “Um never,” at idinagdag na, “TMI but it’s that time of the month lol. They will deflate soon. And it will be a sad sad day.”

Nang magtanong ang isa pang fan tungkol sa kanyang bra of choice, masaya naman itong sinagot ng teen. “Bomb shell or this one BOMB bra from Victoria secret that I’ve had for 4/5 years that they don’t make anymore,” tweet niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kalaunan, nagsawa nang mag-tweet si Kylie, “Okay enough boob talk lmao.” Bagamat hindi ito ang unang pagsagot niya sa isyu tungkol sa pagpaparetoke ng dibdib.

“Everyone thinks I’ve gotten breast augmentation recently, but I haven’t. I just use the Bombshell by Victoria’s Secret,” aniya. “It’s life-changing.” (Yahoo Celebrity)