GERALD AT BEA copy copy

STILL a cut above the rest, ‘yan si Bea Alonzo. Kaya huwag nang pagtakhan kung bakit mas may class siya kumpara sa mga kasabayan niyang aktres.

Lalong hindi na kataka-taka kung bakit siya ang kinikilalang newest movie queen ng Pilipinas.

Hindi siya katulad ng iba d’yan na ang hilig-hilig mag-deny o magpaliguy-ligoy kapag may itinatanong ang entertainment press.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umiiral nga kasi ang prinsipyo ng ‘freedom of information’ sa buhay ni Bea.

Hindi niya itinanggi na nagdi-date uli sila ngayon ni Gerald Anderson, na ayon sa kanya ay hindi naman masama.

“We are just really enjoying. Huwag natin sanang pangunahan. Parang right now talaga, we are enjoying each other’s company,” sey ni Bea.

Inamin din niya na masaya siya kapag lagi silang nagkikita ng leading man niya sa box office hit na How To Be Yours na ipinalabas sa mga sinehan ng mahigit isang buwan. At sa pakiramdam daw niya, ganoon din naman si Gerald.

“Lagi kaming nagkikita. Masaya kapag nagkikita kami. Hanggang doon muna, I guess. Kung magiging kami, hindi ko alam.

Mababalitaan n’yo agad-agad. I promise you,” lahad ng Kapamilya actress.

Kung mauuwi sa mas malalim na relasyon ay pangalawang pagkakataon na ito sa dating magkasintahan. Matindi ang pressure na pinagdaanan nina Bea at Gerald nang una silang magkaroon ng relasyon dahil fresh pa noon ang break-up nina Gerald at Kim Chiu.

Halos hindi masikmura noon ang tinanggap na bashing ni Bea mula sa Kimerald fans. Wala na uli silang commitment kaninuman ngayon, pareho silang single, pero ayaw pangunahan ni Bea ang muli nilang pagkakasundo.

Gayunpaman, mukhang malaki nga ang posibilidad ng balikan nila. (Jimi Escala)