Julie Anne San Jose 02 copy copy

NATAWA si Julie Anne San Jose sa sinabi ng reporters sa presscon ng Sunday Pinasaya na nalungkot ang bashers niya na gusto siyang umalis sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN para tuluyan siyang mailayo kay Alden Richards.

Hindi natupad ang gusto ng bashers, dahil nag-renew siya ng kontrata sa network.

Three years muli ang pinirmahang kontrata ni Julie Anne, kaya mananatili pa rin siya sa Sunday Pinasaya at magkasama pa rin sila ni Alden sa show.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“I have no plans of leaving GMA Network. Home network ko ito at bata pa ako, dito ako napapanood. I’m happy here at masaya ako sa pag-aalaga nila sa akin,”wika ni Julie Anne.

Alam ni Julie Anne na may grupo ng fans na gusto siyang mawala sa Sunday Pinasaya , pero sorry na lang sila dahil ang APT Entertainment at GMA-7 ang naglagay sa kanya sa show at hanggang hindi siya inaalis, every Sunday siyang mapapanood na kumakanta at sumasayaw.

“Masaya kami sa SPS. We’re one big happy family here at looking forward kami sa rehearsal pa lang dahil alam namin magkikita-kita at magkukuwentuhan kami. Isa sa mga sekreto kung bakit nagklik kami dahil pamilya ang turingan namin,” patuloy ni Julie Anne.

Kasama sa mga show na gagawin ni Julie Anne sa Kapuso Network ang isang afternoon soap. Wala pa siyang maibigay na detalye tungkol dito dahil inihahanda pa lang ito ng production team. Marami ang nagre-request na si Benjamin Alves, na hayagan ang panliligaw sa kanya, ang ipareha sa kanya.

“That would be nice kung makakatrabaho ko siya, pero ang network ang magde-decide at susunod lang ako,” sagot ni Julie Anne.

Tinanong namin si Julie Anne tungkol sa status nila ni Benjamin ngayon, wala siyang diretsahang sagot, pero hindi niya kinontra ang inamin ni Benjamin na “exclusively dating” sila. (NITZ MIRALLES)