Sasabak ang apat na kataong Philippine powerlifting team sa 16th Sub-Junior & 34th Junior World Powerlifting Championships 2016 sa Congress and Recreation Center sa Szczyrk City, Poland.

Nakatakda ang torneo sa Agosto 29 hanggang Setyembre 3.

Pamumunuan ni World record holder Joan Masangkay ang Philippine squad kasama sina Rowella Abrea sa women’s 47kg. sub-jr. division, Jasmin Martin sa 47kg jr. division, at Regie Ramirez sa 59kg jr. division.

Kabuuang 207 male powerlifters at 123 female lifters mula sa 30 bansa kabilang ang host nation ang kumpirmadong lalahok sa torneo.Ilan sa paborito ang United States, Russia, Britain, Germany, Japan, Belarus, Ukraine, Hungary, Norway, Lithuania, Equador, at Romania.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa top two seeds sina Janet Becerril ng Amerika (squat-125kg. at total-305kg.), at si Masangkay (bench press-60kg at deadlift-120kg) sa sub-jr. women’s.

Ayon kay coach Betina Bordeos, malaki ang tsansa ng apat na atleta na makapag-uwi ng medalya.

Kagagaling lang ni Masangkay sa sub-junior women’s 43kg division deadlift gold medal win at pagtatala ng world record performance sa 2016 IPF RAW/Classic World Powerlifting Championships noong Hunyo sa Killeen, Houston, Texas.

Nakaapat na ginto naman si Abrea sa Asian Powerlifting Championships nitong Hunyo sa Udaipur, India sa girls’ 47-kg. sub junior squat, bench press, dead lift and total; at may 1 gold, 2 silver at 1 bronze ang dating Asian junior champion na si Ramirez sa 59kg. (Angie Oredo)