Kris copy copy

NAKABALIK na ng Pilipinas si Kris Aquino mula sa Hong Kong last Wednesday kaya ilang araw lang siya roon. Bukod sa “me time” na gustong maranasan, namili rin siya ng mga gamit para sa condo na pansamantalang lilipatan nilang mag-iina habang hindi pa natatapos ang ipinapagawang bahay.

Sa latest post ni Kris, nagsimba siya sa Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamall.

“What a peaceful & joyful place of prayer. My 1st time to attend Mass here...Thanks cuz @boss1020 for bringing me,” nakasaad sa post niya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nakakalungkot lang na hindi pa rin tinitigilan si Kris ng pangungulit ng kanyang followers na huwag siyang aalis sa ABS-CBN at huwag siyang lilipat sa GMA-7. Sana man lang, ibigay muna nila kay Kris ang kagustuhan nitong manahimik muna at makapag-isip.

Ang maganda lang, dumarami ang nakakaintindi kay Kris at may mga nagsasabing kahit saang network pa siya, susuportahan pa rin nila si Kris .

‘Katawa nga at may nagsa-suggest na magsama sina Kris at Arnold Clavio sa isang show sa GMA-7.