Andre at  Barbie copy

MASAYA si Andre Paras na sa pagpasok sa second year ng Sunday Pinasaya (SPS) ay magiging mainstay na siya at sino pa nga ba naman ang magiging ka-love team niya sa show kundi ang paborito niyang leading lady na si Barbie Forteza. 

Kaya after the presscon, pabiro naming tinanong si Andre tungkol sa pag-unfollow niya kay Barbie sa Twitter. In-unfollow ba niya si Barbie dahil may boyfriend na ito (si Kiko Estrada pero after four months ay wala na rin pala ang dalawa)?

“Hindi po, wala po kaming away ni Barbie, wala kaming hindi pagkakaintindihan,” natatawang sagot ni Andre. “Hindi lamang po si Barbie ang in-unfollow ko, lahat ng mga friends ko, at ang itinira ko lang Twitter accounts ng GMA News, Inquirer, basta tungkol sa mga news, para madali kong malaman ang latest reports, at hindi maguluhan ang isip ko. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Pero mali pala, kailangan ko pa rin ang mga friends ko sa Twitter kaya ibinalik ko na rin silang lahat. Tinanggal ko na lang iyong hindi ko naman madalas maka-tweet at hindi ko rin masyadong kilala.”

Ilang linggo na rin siyang napapanood sa SPS, kumusta naman sila ni Barbie?

“Wala po namang nabago, ganoon pa rin kami after ng ilang taon na rin namang magkasama kami sa mga drama series na nagawa namin, masaya lang ako na p’wede rin pala akong mag-comedy at live pa. Enjoy ako sa mga bago ko ring makakasama sa show.”

Hindi ba siya naiilang sa makapal na balbas niya ngayon?

“Medyo po, pero kailangan ko po ito sa role ko sa Encantadia. Masaya po ako kasi ibinigay nila sa akin ang role na dating ginampanan ni Daddy (Benjie Paras) sa unang Encantadia, si Wahid. Kasama ko si Ruru (Madrid) bilang si Haring Ybarro/Ybrahim.”

Nagtatanong na ang fans nila ni Barbie sa bagong serye na gagawin nila sa GMA Network.

“Meron na po silang naka-schedule na gagawin namin ni Barbie, kaya maghintay-hintay na lamang muna sila. Dito na po muna ninyo kami panoorin sa Sunday Pinasaya.”

Magkakaroon ng two consecutive Sundays na special anniversary presentation ang SPS, sa September 4 and 11, at ilan sa magiging special guest si Maine Mendoza, Aegis at marami pang iba. Ia-announce pa lamang kung saan ang venue ng shows. (NORA CALDERON)