MICHAEL copy

CLOSE at maganda ang bonding nina Michael Pangilinan at Morisette Amon na madalas naming makitang nagbibiruan, nag-aakbayan at gumigimik na magkasama.

Kaya ang biro namin sa dalawa, kung hindi lang alam ng tao na girlfriend ni Michael si Gabrielle Concepcion ay puwedeng maging ‘sila’.

Nagulat kami sa reaksiyon nila, dahil nagtawanan, kaya inisip namin na baka nga naging magkarelasyon na pero hindi lang nalaman ng publiko.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Actually, Tita Reggee, matagal na kaming tinutuksong dalawa, noon pa after ng The Voice niya at ako naman X-Factor,” kuwento ni Michael. “May tawag nga sa amin… parang SetKiel ‘ata. Pero hindi, wala talaga kasi magkapatid ang turingan namin. Hindi ko siya nakitaan na maging girlfriend, hindi ko siya nakitaan ng malisya, ha-ha-ha,” tumatawang sabi ng alaga ni Katotong Jobert Sucaldito nang makatsikahan namin sa pocket presscon ng show nilang Powerhouse (Pinoy World-Class Performers) na gaganapin sa The Theater, Solaire Resort and Casino sa October 28, 2016 produced ng Lucky 7 KOI Productions, Inc.

Magiging special guest nina Michael, Morissette, The 4th Impact at Mayumi and TOMS Band si Arnel Pineda.

Samantala, may pinagdadaanan si Michael na hindi niya ipinahahalata pero damang-dama kapag kumakanta siya. Dinidibdib niya ang tatlong buwan nang pananabik sa kanyang anak na hindi na niya nakikita.

Pero hindi siya ang klase ng lalaking padalus-dalos sa mga desisyon, kaya idadaan niya sa legal na paraan ang lahat.

Hihiling siya sa korte ng visitation rights sa anak niya.

Hindi lumiliban ang buwan-buwang sustento ni Michael sa anak, kaya may karapatan siyang makapiling ito.

“Birthday ng mama ko po noong June 23, ang wish ng mommy ko po, sana raw makadalaw o mahiram niya ‘yung anak ko, na apo niya siyempre. Tinext ko po (ang ex-girlfriend niya), akala ko, naka-block ako kasi hindi nag-reply, at para alam ko po na natanggap niya, nagpadala ako sa Viber, SMS, ni-ring ko pa, ‘pina-send ko pa po sa stylist ko, walang reply po, wala lahat.

“Nagmakaawa na po ako na kung puwede kong hiramin ang bata, nag-text ako, for a day lang at kung hindi ko naisoli kinabukasan, ipakulong n’yo ako.

“Gusto ko lang naman po magkaroon ng two to three days lang na makasama ang anak ko, kahit nga one to two days o isang beses sa isang linggo, okay na ako ru’n,” may himig pagsusumamong wika ng mang-aawit.

Kaya humantong ang lahat sa paghingi ng tulong ni Michael sa abogado.

“Ayaw nila ng maayos na usapan, eh, di do’n tayo sa medyo mahirap. Pasensiya na po kayo kung umabot tayo sa ganito.

Siguro baliw na lang po ako dahil sa anak ko. Nagkaso po ako dahil may dahilan at gustung-gusto kong makita ang anak ko, sana pagbigyan n’yo ako,” katwiran ng binatang ama.