Dwayne copy

KINILALA si Dwayne “The Rock” Johnson bilang world’s highest paid actor ng Forbes nitong nakaraang Huwebes, sa kinitang $64.5 million at nakopo ang title mula kay Robert Downey, Jr. na tatlong sunud-sunod na taon na may hawak sa titulo.

Higit sa doble ang kinita ng 44-year-old na dating wrestler kumpara sa kita niya noong nakaraang taon. Malaking bahagi nito ang nagmula sa kanyang role sa action comedy na Central Intelligence, sa ikawalong installment ng Fast & Furious at sa Baywatch na malapit nang ipalabas.

Nasa ika-11 puwesto si Johnson noong nakaraang taon, sa kinitang $31 million sa loob ng 12 na buwan simula Hunyo 2014 hanggang Hunyo 2015

Kamangha-manghang larawan ng Saturn, ibinahagi ng NASA

Nag-tweet ang aktor, na nagbida sa HBO series na Ballers, para ipahayag ang kanyang kasiyahan sa bagong title.

“Want to say two things about this,” aniya. “I started w/$7 bucks. If I can overcome, so can you. Waffle House on me!!”

Pumangalawa naman si Jackie Chan sa Forbes list na kumita ng $61 million kasunod si Matt Damon ($55 million), Tom Cruise ($53 million), at Johnny Depp ($48 million).

May kabuuang $456.5 million ang kinita ng lahat sa 10 highest-paid actors ng mundo, ayon sa Forbes, kumpara sa $205 million na kinita ng top 10 actresses.

Siguradong puputok na naman ang debate tungkol sa gender pay gap na nangyayari sa Hollywood dahil sa inilabas na ito ng Forbes. (AFP)