Max Collins 5 copy copy

PASEKSIHAN ang dalawang leading lady ni Tom Rodriguez na sina Lovi Poe at Max Collins sa presscon ng Someone To Watch Over Me (STWOM).

Nang ibigay kay Max ang role sa primetime inspirational drama, ang una pala niyang ginawa ay magpapayat dahil gaganap siya bilang si Irene, ang girlfriend na mas tumimo sa alaala ni TJ Chavez (Tom) kaysa asawa nitong si Joanna (Lovi).

Pero pinaghandaan din siyempre niya ang pag-arte dahil nakikita niya kung paano umatake sa role sina Tom at Lovi na bigay na bigay ang mga emosyon kapag magkakaeksena sila.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang paksa ng STWOM ay tungkol kay TJ na may early onset ng Alzheimer’s disease. Istorya ito ng pagmamahal ng isang babae sa kanyang asawang may Alzheimer’s disease na hindi na siya kilala kundi ang dating girlfriend.

Tatanggapin niyang pumasok sa buhay nila si Irene at sa bahay nila dahil ito ang mahal ni TJ at siya ay gumaganap na tila isang nurse na nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan ng asawa.

Interesting ang istorya ng primetime drama na idinidirek ni Maryo J. delos Reyes dahil alam nating hindi na nagagamot ang ganitong uri ng sakit, kaya paano na si Joanna, hanggang kailan niya titiisin ang buhay nilang tatlo nina TJ at Irene?

After the presscon, natanong si Max kung manonood kaya ang boyfriend na si Pancho Magno ng kanyang drama series dahil may intimate scenes sila ni Tom. Nagulat kami na hindi na nag-react si Max nang sabihin naming boyfriend niya si Pancho, dati kasi ay lagi siyang may pag-iwas kapag binanggit ang actor.

So, open na siya sa relasyon nila ni Pancho?

“Opo, kasi four years na rin naman kami ni Pancho sa October,” sagot ni Max. “Importante siya sa akin at ayaw ko na rin siyang mawala, at sana siya na ang forever ko.”

Pero hindi pa siya ready kung yayain na siya ni Pancho na magpakasal. She’s only 24 at si Pancho naman is turning 30.

“May mga gusto pa po akong ma-achieve bago ako mag-asawa. Siguro, bago ako mag-thirty years old, magpapakasal na ako.”

Ibig sabihin, five to six years pa palang maghihintay si Pancho?

“Kung mahal po ako ni Pancho, hihintayin niya ako,” nakangiting pagtatapos ni Max.

Kasama rin sa cast ng Someone To Watch Over Me ang nagbabalik-Kapuso na si Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez at Ronnie Lazaro. Mapapanood na ito simula sa September 5 (Lunes), pagkatapos ng koreanovelang Descendants of the Sun. (NORA CALDERON)