Agosto 24, 1958 nang imaneho ni Maria Teresa de Filippis ang Maserati sa Portuguese Grand Prix, siya ang unang babae na sumabak sa Formula One race.
Isinilang si De Filippis sa Naples, Italy noong 1926, at nagsimulang kumarera sa Fiat 500s vehicles sa edad na 22.
Naging interesado siya sa pangangarera nang magpustahan ang kanyang mga kapatid na hindi niya kayang magpatakbo nang mabilis. Una siyang nanalo sa Salerno-Cava dei Tirreni, at nakuha ang second place sa 1954 Italian sports car championship.
Nagsilbi ring driver si De Filippis sa automotive firm na Maserati, at nakilahok sa tatlong Grand Prix events taong 1958. Nagtapos siyang 10th place.
Nang mamatay ang kanyang team owner na si Jean Behra, nilisan ni De Filippis ang pangangarera. Ngunit naging kabilang siya sa International Club ng Former F1 Grand Prix Drivers mula 1979.