Untitled-1 copy copy

SA teaser ng pelikulang Barcelona: A Love Untold, mapapanood si Kathryn Bernardo na ginagampanan ang karakter ni Mia at si Ely naman si Daniel Padilla sa ilang madadramang tagpo na kinunan pa sa Spain. Marami ang nakapuna sa isang eksena na tinawag ni Ely si Mia sa pangalang Celine.

Sino si Celine sa buhay ng dalawa? Ibig daw bang sabihin, may kakambal sa istorya si Mia? O may kamukha na dating girlfriend ni Ely? O kaso ba ito ng amnesia?

Sa isang panayam, nagpahiwatig si Kathryn kung sino si Celine.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“’Yun sa first eksena namin, ‘yun kasi ‘yung unang kita ni Ely at Mia. So, ako, hindi ko naman siya kilala and nagulat ako kasi may biglang lumapit sa ‘kin, sinasabi na ako si Celine,” kuwento ni Kathryn.

Sino at ano ang kaugnayan ni Celine sa buhay nilang dalawa?

“Si Celine ay… isang sikreto,” pabitin na sagot ni Daniel. “‘Yun ang dapat nilang abangan.”

Para kina Daniel at Kathryn, ito na ang pinaka-challenging na roles na kanilang nagampanan. Naranasan nilang maging actor sa pamamahala ni Direk Olive lamasan.

Hindi sila pinayagan ni Direk Olive na magpa-cute gaya sa mga nauna nilang projects na nakasanayan na nila.

“And ang dami mong lessons na maiuuwi kapag siya ang naging director mo, sa pagtatrabaho, kung gaano siya ka-professional at kung gaano mo mahalin ang trabaho mo, at kung papano mapapaganda ang isang pelikula, hard work talaga,” sabi ni Kathryn.

May pagkakataon sa shooting na napagalitan sila ni Direk Olive.

“After nung nangyari, na-shock ako lalo, kasi nagulat ako na nagalit si Inang and after nu’n sobrang namroblema ako nu’ng gabi hanggang pagkagising ko,” ani Kathryn.

“After nu’ng incident na ‘yun, mas naging tight kami ni Inang. Mas naging super close kami,” sabi naman ni Daniel.

“Tapos kinausap niya kami kung bakit siya nagalit,” paliwanag ni Kathryn, “’tapos natuto talaga kami after nu’n. Alam na namin kung papa’no para hindi maulit ‘yun. So ginawa na namin ‘yung part namin.” (ADOR SALUTA)