DULCE AT SEN

NAKAKAGULAT ang nag-viral na napakahabang post ng singer na si Dulce sa kanyang Facebook account, gamit ang kanyang tunay na pangalang Dulce Amor Cruzata, noong Linggo ng hapon na may picture na magkasama sila ni Sen. Leila de Lima na nakahawak pa sa kanyang pisngi.

Ipinost ito, 2:49 PM nitong nakaraang linggo, at kahapong 2:01 PM ay mayroon nang 21,122 shares at 1,696 comments.

Ano ang koneksiyon ni Dulce kay Senadora De Lima at masasakit na salita ang ipinost niya laban dito?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naririto ang buong post ni Dulce:

“Simula’t simula sinabi nang bumitaw ka at huwag nang magsalita, kahit sekreto na lang sana isinuko mo na, heto na at lumalala, naghahamon ka pa! Ano? Nagpa-panic? Umiiyak? At nagmamakaawa daw??? Yung angas n’yang yun? Nadidiktahan ka pa nga. Gusto ko mang maawa pero katotohanan ang kailangang lumabas. Tama na, nagamit ka na nang husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay-sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue.

Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident hindi ka nila kayang protektahan, only the truth can protect you.

Marami na kayong pinahirapan, marami nang buhay ang nasira pero tila wala ka nang pakialam, naging manhid ka na at hindi mo ramdam ang sakit at bigat na nararanasan ng libu-libong pamilyang biktima ng droga.

Inalis at tinerminate mo ang mga taong tapat sa kanilang trabaho dahil lang sa ayaw sumabay sa inyo sa gusto ninyong mangyari, gusto n’yo itikom na lang mga bibig nila basta tanggap na lang milyones galing sa drug lords? Sorry ha, hindi talaga kaya ang magpakaBULAG PIPI AT BINGI at ipagkanulo ang bayang ito.

Hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n’yo ng buhay ng ibang tao.

Kaya ang pinakamadaling paraan ay tanggalin na lang para walang hadlang sa mga ginagawa ninyo, di ba!?

Nasaan na ang sinasabi mo sa sambayanan na “I LOVE YOU...”??? At the back of your mind pala “I WILL KILL YOU”???

dahil tuluy-tuloy pa rin ang paglipana ng pabrika ng shabu while you served as head of the DEPARTMENT OF JUSTICE???!!! Nasaan ang hustisya!!!

What have you done to your family’s good name? I pray you’d be jolted out from your slumber and hope it’s not yet too late. I pray for redemption.

#TruthAndRighteousness #PrayForThePresident #PresidentDigong #DUTERTE #PrayForTheSenator #PrayForTheGovernment #GodBlessThePhilippines #LetJusticePrevail”

Nagpadala kami ng private message kay Ms. Dulce para sana sa karagdagang detalye, pero habang tinitipa namin ang balitang ito ay hindi pa niya kami nabalikan pa. (REGGEE BONOAN)