Frank copy copy

PAGKALIPAS ng apat na taong paghihintay, inilabas na sa wakas ang inaabangang Blond album ni Frank Ocean sa Apple Music.

Ang Blond na dating tinawag na Boys Don’t Cry, ay ilalabas dapat noong Agosto 5, ngunit ayon sa ulat ng The New York Times, nagdesisyon si Oc ean at ang kanyang team na iurong muna ang proyekto nang malaman ng iba at nawalan ng element of surprise.

Ekslusibong sa Apple Music at iTunes ang 15-track LP sa loob ng dalawang linggo, ulat ng The Verge.

BALITAkutan

Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan

Ang lalong kahanga-hanga sa album ni Ocean ay ang pakikibahagi ng a-list artists sa pagkumpleto nito tulad nina Beyoncé, Kanye West, Pharrell, Andre 3000, Tyler The Creator, James Blake, Jamie xx, at Rick Rubin.

Hindi mapigilan ng fans ng critically acclaimed artist ang excitement sa bagong album ng singer.

Ginantihan ni Ocean ang pagmamahal ng kanyang supporters sa pagpo-post ng sweet na, ‘thank you’ note sa kanyang Tumblr:

“I HAD THE TIME OF MY LIFE MAKING ALL OF THIS. THANK YOU ALL. ESPECIALLY THOSE OF YOU WHO NEVER LET ME FORGET I HAD TO FINISH. WHICH IS BASICALLY EVERY ONE OF YA’LL. HAHA. LOVE YOU,” saad ni Ocean. (MB Entertainment)