SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Isang malawakang manhunt ang inilunsad ng San Isidro Police makaraang matakasan ang himpilan ng isang bilanggo na may patung-patong na kasong kriminal, sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng San Isidro Police ang nakapugang si Severino Mendoza Jr., y Rojero, 36, binata, isang tinsmith, akusado sa robbery with homicide, at residente ng Barangay San Nicolas, Gapan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 9:30 ng gabi nang madiskubreng kulang ng isa ang mga bilanggo sa selda at agad itong ipinaalam ng duty jailguard na si PO2 Randy Beley sa kanyang hepe. (Light A. Nolasco)

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone