DAVAO CITY – Pitong linggong buntis ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at triplets ang isisilang nito.

Kinumpirma kahapon ni City Information Office Chief Jefry Tupas ang ikalawang pagbubuntis ng alkalde sa asawang si Atty. Mans Carpio.

Sa mensahe ni Sara na binasa ni Tupas, sinabi niyang hindi siya makadadalo sa selebrasyon ng Kadayawan 2016 dahil pinayuhan siya ng kanyang doktor na umiwas sa matataong lugar upang makaiwas sa anumang impeksiyon.

“We are expecting triplets and they are doing well on their 7th week. The human body is made to carry just one baby and I am experiencing threefold all the pregancy symptoms that a woman goes through,” saad sa pahayag ni Sara.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabila nito, tiniyak ng alkalde na patuloy niyang gagampanan ang tungkulin sa siyudad hanggang ipinahihintulot ito ng kanyang doktor.

Kasabay nito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na labis na natutuwa ang Pangulo nang makumpirmang triplets ang ipinagbubuntis ng kanyang anak.

“He is also hopeful that she will able to see through the pregnancy smoothly and well. Mayor Sara’s pregnancy serves as a source of inspiration for the Chief Executive to roll up his sleeves and work double time in his fight against crimes and drugs.” (Antonio Colina IV)