Kris ka-meeting sina Direk Mike at Tony Tuviera copy

KINUMPIRMA kahapon ni Kris Aquino sa amin ang isa sa mga detalye sa ilang linggo nang espekulasyon sa mga pagbabago sa career niya.

Last week ng June pag-uwi galing sa kanyang bakasyon grande sa US kasama sina Josh at Bimby, una siyang napanood sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera sa GMA-7 kaya agad na kumalat sa showbiz circle ang mga haka-haka na lilipat siya ng network.

Pagkaraan ng dalawang linggo, nakipag-meeting siya sa ABS-CBN management pero walang lumabas na anumang detalye sa mga napag-usapan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pagkaraan uli ng dalawang linggo o three weeks ago, nakipag-meeting naman siya sa mag-amang Mr. Tony Tuviera at Direk Mike Tuviera ng TAPE at APT Entertainment.

Lalong uminit ang mga espekulasyon na lilipat ng network si Kris. At nitong nakaraang ilang araw, usap-usapan na ang paglipat niya sa kuwadra ng Triple A Talent Management na pag-aari rin ni Mr. Tuviera.

Kahapon, ito ang text message ni Kris sa akin:

“Kuya Dindo, Mr. T (Tony Tuviera) is now my lead manager, Boy (Abunda) will continue with endorsements but I’m partnering with APT for digital initiatives. I prayed long about this and my sisters and I discerned – and this felt RIGHT.”

Makakasama ni Kris sa Triple A stable sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at iba pa.

Si Mr. Deo Endrinal ang dating lead manager ni Kris, na as of press time ay hinahagilap pa namin ni Reggee Bonoan ang side. Ilalabas namin kagaad kapag nakontak na namin siya.

Identified sa GMA-7 si Mr. Tuviera. Pero hindi pa nilinaw ng Queen of All Media kung nangangahulugan nga ba ang new development na ito sa career niya ng paglipat din niya sa GMA-7.

We’ll keep you posted. (DINDO M. BALARES)