Ellen copy

SA gitna ng namamagitang tensiyon sa sigalot nina Selena Gomez at Justin Bieber, mayroon pa ring masasandalang safe ground na Instagram account ni Ellen DeGeneres.

‘Tila naging pansamantalang Justin Bieber account ang Instagram ng talk show host, simula nang mag-deactivate ang una ng account dulot ng iringan nila ni Selena at ng kanyang fans.

Nagdesisyon si DeGeneres na mag-post ng isang litrato ni Bieber sa kanyang account araw-araw. Nasa pangalawang araw pa lamang siya sa kanyang ‘service’ at ang kanyang mga post ay umaani na ng mahigit 430,000 at 290,000 likes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagustuhan ito ng Beliebers na nakaka-miss sa mga photo update ni Justin, kaya nakapagdala si DeGeneres ng kasiyahan at napagaan din ng sitwasyon.

Dahil sa fans na nagpapaulan ng ‘Thank Yous’ at ‘I Love Yous’ sa komedyante, walang kaduda-duda na bagay kay DeGeneres ang trabahong ito.

Kahit papaano, habang sinusulit ni Justin ang oras na malayo sa Instragram, may mapupuntahan ang fans niya kapag nami-miss nila ang kanilang idolo. (MB Entertainment)