RIO DE JANEIRO (AP) – Walang tigil ang pagbubunyi ng home crowd para suportahan ang tambalan nina Agatha at Barbara – sa ikalawang sunod na Olympics ay lumalaban sa gold medal.
Mas mataas ang emosyon ng crowd matapos patalsikin ng Brazilian tandem ang defending champion na sina Americans Kerri Walsh Jennings at April Ross.
Ngunit, sadyang mailap ang tagumpay sa Olympics ng defending world champion.
Naitarak nina Laura Ludwig at Kira Walkenhorst ang 21-18, 21-14 panalo laban kina Agatha at Barbara para dugtungang ang kabiguan ng Brazilian sa women’s beach volleyball championship.
Naging doble ang kalungkutan ng crowd sa pamosong Copacabana beach nang gapiin nina Jennings at Ross ang isa pang tambalan ng Brazil na sina Larissa at Talita sa bronze medal match, 17-21, 21-17, 15-9.
Umaasa ang host na makapagdiriwang sa tagumpay sa pagsalang ng tambalan nina Alison at Bruno sa Italian tandem sa men’s championship sa Huwebes (Biyernes sa Manila).