KAREN copy copy

NAKADETINE pa rin sa Southern Police District (SPD) headquarters sa Taguig City ang magdyowang sina DJ Karen Bordador at Emilio Lim pagkatapos maaresto sa pagbebenta ng party drugs sa isinagawang buy-bust operation sa condo ng huli sa Oranbo, Pasig City noong August 16.

Unang nakilala sa showbiz si DJ Karen nang sumali siya sa reality-based romance search na I Do ng ABS-CBN, hosted by Judy Ann Santos, ilang taon na ang nakakaraan. Ang ex-boyfriend niya na si Chris Tan ang kasama ni Karen sa I Do, subalit naghiwalay silang dalawa after the show.

Anyway, habang nakadetine, nagbigay si Karen ng urine sample para sa kanyang drug test pero ayaw niyang pumirma sa ibinigay na police request form bilang katibayan na may consent ang pagsasailalim niya sa test habang si Emilio naman ay pumirma sa police form. Sa initial result ng kanilang drug test ay nagpositibo sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nang matimbog ang dalawa, nagpahayag si Karen sa mga alagad ng batas na wala silang alam sa illegal activity ng kanyang boyfriend. Nagpunta lamang daw siya sa condominium upang bisitahin ito. Hindi ito kinagat ng mga pulis na umaresto sa kanila.

Ang sabi sa ulat ng mga pulis, si Karen ang kumuha ng ecstasy pills sa isang suitcase at iniabot ito kay Emilio nang pagbilhan nila ng bawal na gamot ang undercover policemen. Nakumpiska sa dalawa ang illegal drugs na nagkakalaga ng P2.5M, flavored marijuana dried leaves at marijuana resin or oil.

Isang kaibigang Fil-Am ang diumano’y nag-tip sa mga pulis tungkol sa kanilang gawain. (ADOR SALUTA)