KIKAY AT MIKAY copy

BONGGEY ang Kikay at Mikay ‘coz andami nilang pinahanga sa Baguio last week nang makasama nila sa all-star show sa Easter College sina Rocco Nacino, Jeffrey Santos, Ruru Madrid, Jomari Yllana, Carlo Cepeda, Onyok at Direk Mike Magat.

Sing and dance ang dalawang bagets na nagustuhan talaga ng crowd pati na ng mga kasama nilang artista na sabay-sabay na napaindak sa production number ng Kikay-Mikay. Kaya dalawang beses tuloy silang pinag-perform, in pernes. At pagkatapos ng kanilang performance dinumog sila ng crowd at nagpa-photo op sa kanilang dalawa. Talbog!

Bale nag-promote na rin sila ng kanilang indie films titled Field Trip at Mga Batang Lansangan under Sonza Entertainment Productions sa direction ni Mike Magat.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Very proud si Direk Mike Magat kina Kikay at Mikay kaya nag-OPM ito sa dalawang bagets na lahat ng projects at events nito ay lagi silang isasama. Very good!

Samantala, dahil sa erractic scheds nila sa showbiz world, nag-transfer sina Kikay at Mikay ng school. Sa Veritas Catholic School na sila nag-aaral dahil may online tutorial kapag hindi sila nakaka-attend ng klase. Very supportive naman sa kanila ang kanilang school adviser na si Teacher Kristine Dipalac at class adviser nila na si Sir Klein de Chavez.

Well, ang wish lang namin ay matulungan sila ng Viva Artist Agency na magkaroon ng teleserye ‘coz belong naman sila sa mga contract artists nina Boss Vic del Rosario at Madame Veronique del Rosario. ‘Di ba naman, kapatid na Dindo Balares? If you agree, then spin a win. Insert smiley, u! (Mercy Lejarde)