NAG-TRENDING ang patanong na post ni Angel Locsin noong Lunes na “What kind of music do you listen to?” Ang binanggit kasi niya ay ang awitin ni Donna Cruz na Kapag Tumibok Ang Puso.

Hindi kami nakisali sa maraming nagkokomento sa post kundi tinext namin ang aktres at tinanong kung may love life na ba siya na sinagot naman niya kaagad ng, “Isang love life lang, wala munang love life.”

Hirit pa, “Natawa kasi ako do’n sa video (ng Kapag Tumibok Ang Puso), saka favorite ko kasi ‘yun nu’ng bagets ako.”

Sa madaling sabi, single and available si Angel ngayon. Pero, aniya, hindi naman siya naghahanap. Binanggit kasi namin, at itinukso sa kanya, na single ngayon si Zanjoe Marudo na kasama niya sa pelikulang sinu-shoot nila ngayon with Sam Milby.

Diretsahang tanong namin sa dalaga, type ba niya si Zanjoe?

Max Collins, sumuko nang hanapin ang erpat

“Ha, ha, friends kami, ate, saka hindi naman ako naghahanap (boyfriend) ngayon,” sagot ng dalaga.

Pero hindi naman daw niya isinasarado ang puso niya. ‘Yun nga lang, siya ang hahanapin at hindi siya ang maghahanap.

Samantala, itinanong namin ang tungkol sa Darna project niya at kung kailan niya ito uumpisahan, pero hindi niya kami sinagot.

Naalala naming, hindi pa nga pala magaling ang back injury niya. (Reggee Bonoan)