Ni REGGEE BONOAN
ANG teleseryeng Tubig at Langis pala ang naging therapy ni Zanjoe Marudo para makapag-move on sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo noong nakaraang taon.
Maganda na kasi ang aura ngayon ni Zanjoe at walang bakas na may pinagdadaanan pa kaya natanong kung naka-move on na ba siya totally.
“Hindi ko alam. Actually, hindi ko naman masasabi ‘yun, eh, na, ‘uy, naka-move-on na ako’, hindi, eh. Hindi ko alam, eh. Ewan ko, baka. Kasi sinasabi n’yo nga na mukha namang okay naman ako.
“Nung simulan ko ‘to, medyo hindi ako okay, last year. Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang lahat ng cast na nandiyan, nakasuporta lang sa akin na... alam mo ‘yun, pilit akong pinapasaya, inaaliw, hanggang siyempre, wala na.
“Pinagdadaanan naman ‘yun, eh. So, kaya nga pinagdadaanan, ibig sabihin, nalalagpasan, dadaan lang siya.
“So, nakakatuwa na hayun, matatapos ang show namin na masaya kami lahat, positive and ang daming mga blessings na dumarating,” kuwento ng aktor.
Kumusta naman ang puso ngayon ni Zanjoe?
“Ang estado ng puso ko ngayon, siguro, masasabi ko, masaya, masayang-masaya ako ngayon. And ayokong i-pressure ang sarili ko sa kahit anong bagay dahil sa ngayon committed ako sa sarili ko, sa trabaho, sa family.”
Kumusta naman sila ni Bea?
“Hindi ko p’wedeng sabihin na kasi, siyempre, hindi naman na kami nag-uusap, hindi na kami nagkikita, pero feeling ko, okay naman kami. ‘Pag nagkikita kami sa mga events, okay naman kami, nagpapansinan naman kami, friends, parang ganu’n, normal,” kaswal na sagot ng binata.
Samantala, pagkatapos ng Q and A ay natanong si Zanjoe tungkol kina Bea atGerald Anderson na nagkakamabutihan na raw.
“Hindi ko alam, eh. Pero mabuti, di ba? Mabuti para kay Bea, mabuti para sa kanila. At least ngayon, mas open na, mas mai-express na nila ‘yung kung anumang nararamdaman nila. Kung meron man talaga,” kaswal pa ring sabi ni Z.
Base sa facial expression ng aktor, hindi namin siya kinakitaan ng lungkot na naramdaman tungkol sa isyu na masaya si Bea sa piling ni Gerald, kung meron man talagang balikang nangyari.