Ni NORA CALDERON

Glaiza de CastroHABANG lumalalim ang istorya ng Encantadia ay lalong nahuhulog ang loob ni Glaiza de Castro sa kanyang role bilang si Pirena. 

Ayon sa aktres, maging siya ay nagugulat kapag matagumpay siyang nakakatapos ng bawat eksena. 

“Mas minamahal ko si Pirena everytime na may nangyayaring tagumpay,” paliwanag ni Glaiza. “Pinupuri ko talaga si Pirena na since matagal niyang pinagpaplanuhan ‘yung mga gagawin niya. So ako, nagugulat and at the same time natutuwa dahil naging effective ‘yung pagpapaawa ko sa mga kapatid ko. ‘Tsaka ang challenge nu’n kay Pirena is kung hanggang saan niya kaya panindigan ‘yun at kung hanggang kailan kasi meron pa siyang ibang mga motibo na gagawin pa, eh.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, shocked naman si Ken Alfonso sa pagti-trending ng eksena nila ni Glaiza. Nag-trend kamakailan ang episode na nagtatampok sa pagsasamantala at pagpaslang ni Pirena sa isang kawal ng Lireo, na kinilala ng netizens na si Ken Alfonso. 

Ayon sa netizens, sinayang lang daw ni Pirena ang guwapo at matipunong sundalo.

Ayon kay Ken, hindi niya inasahan ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa nangyari sa kanila ni Pirena. Gayunpaman, inanyayahan niyang patuloy pa ring subaybayan ang istorya ng Encantadia lalo na ang buhay pag-ibig ng Pirena. 

“Masaya  ako and na-schock actually kasi very short lang ‘yung clip na ‘yun and yet maganda ang naging feedback ng mga manonood. Then we are still hoping na maging maganda pa ‘yung takbo in terms of love life ni Pirena.”

Bukod kay Ken, tuwang-tuwa rin si Julia Lee sa pagkakasali saEncantadia na inamin niyang ipinagdasal pa niya.

Gumaganap si Julia bilang si Alira Naswen, ang commander ng mga kawal ng Sapiryan na ngayon ay naninilbihan na sa Lireo. Malaki ang kanyang pasasalamat na napabilang siya sa cast ng highly-acclaimed telefantasya ng Siyete. 

“Sobrang grateful at nagulat po ako na naging part ako ng Encantadia. Ipinagdasal ko po talaga na makasama ako regardless of my role. Super thankful ako kasi ‘yung napunta po sa aking role ay talagang tugma naman po dahil ang gusto ko ay action,” pahayag ni Julia. Kuwento pa aktres, lagi siyang excited sa kuwento ngEncantadia requel dahil hindi niya inaasahan ang mga napapanood.