ARRON AT DAWNSA Umagang Kayganda nagsimula ang magandang samahan ni Arron Villaflor at ng ex-PBB housemate na si Dawn Chang. May chemistry ang dalawa kaya naging regular ang kanilang pagsasama sa pang-umagang news and current affairs ng Dos.

Paano nga ba naging ‘sila’? 

“Inasar siya (Arron)  ni Tiyang Amy (Perez) na… kasi mag-isa lang siya du’n sa segment niya, mag-isa lang din po ako sa segment ko na ‘yun… ‘tapos sabi ni Tiyang Amy, dapat may kapartner para mas masaya or may kasama. ‘Tapos si Robi (Domingo), sabi lang niya, ‘Arron, name-miss mo na ba si Dawn Chang?’ Hindi ko naman alam (kung) bakit. Sabi ko, bakit nila sinasabi ‘yun, eh, hindi pa naman kami pa ever nag-meet ni Arron.

“Sabi ko nakakahiya, ‘tapos si Arron naman, ‘Ha? Sino?’ ‘Si Dawn Chang? Ah, oo,’ gumano’n na lang siguro siya para hindi nakakahiya. ’Tapos eventually, pinagsama na kami sa isang segment,” lahad ni Dawn na isa member din ng GirlTrends ng It’s Showtime. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pahayag ni Dawn, hindi pa raw sila mag-on  ni Arron, but they go out on date with friends.

Kung nasaan sa puso niya si Arron sa ngayon?

“Napakaimportante niyang parte ng buhay ko,” makahulugang sagot ng dalaga.

“Kasi po kasama ko siya sa trabaho ‘tapos isa siya sa rason kung bakit gusto ng mga tao ‘yung partnership namin, kasi nagtutulungan kaming dalawa sa show,” bigay-bawi niyang pahayag.

Alam na this, sabi nga ng mga bagets. —Ador Saluta