Sa layong maisalba ang naunang peace intiative na isinulong ng nagdaang administrasyon, nasa Kuala Lumpur sa Malaysia ngayon ang mga opisyal ng Government Peace Panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, nais isalba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang peace initiative para muling buhayin ang naudlot na peace talk.

Kasama ni Dureza sa pakikipag-usap sa mga MILF officials sina Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, House Speaker Bebot Alvarez, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at House Majority Leader Rudy Fariñas.

Kakatawanin naman nina Chairman Al Haj Murad at Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal ang MILF.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Susunod na kakausapin ng grupo si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari base na rin sa direktiba ng pangulo. - Beth Camia