IPINAGDIRIWANG ni Jenna Dewan-Tatum ang ika-10 anibersaryo ng Step Up sa nakakaaliw na paraan – na may nakakatuwang snapshot niya at ni Channing Tatum.
Sumapit ang dekadang anibersaryo ng romantic dance movie noong Huwebes, at nagbahagi si Jenna ng sweet throwback na litrato niya at ng kanyang asawa sa set noong 2006.
“#tbt to on set of Step Up I cannot believe it’s the 10 year anniversary of the release today!!” sabi ng 35-year-old actress at mananayaw, na gumanap bilang contemporary dance student na si Nora Clark sa pelikula. “Ahhhh where does the time go?? Love you all and thanks for all the love all these years.”
Sina Channing at Jenna ay nag-alay ng tribute sa pelikula sa Snapchat. Habang naglalaro ng popular filters na app, nag-videotape si Jenna kasama si Channing (ang hip-hop heartthrob na si Tyler Gage) na sumasayaw sa paikot sa sasakyan.
Pero hindi lang iyon –nagbahagi rin ang dalawa ng sikat na dance moves mula sa pelikula, kabilang ang lifts na itinampok sa magandang rooftop dance sequence, na orihinal na kinuhanan sa sunset sa Baltimore, Maryland. - ET Online