Balak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanselahin ang mining permit ng dalawang malaking kumpanya ng pagmimina, gayundin ang permit ng isang housing project na nasa critical area ng isang watershed sa Quezon City dahil sa mga paglabag sa batas sa kalikasan.

Sinabi ni Environment Secretary Gina Lopez na isasailalim muna nila sa evaluation process ang nakuhang Environmental Compliance Certificates (ECCs) ng coal miner na Semirara Mining Corporation at Tampakan gold and copper project, at ang planong pabahay ng Century Communities Corporation dahil binigyan na ng ECC ang mga ito bago pa kumuha ng environmental requirements.

Ipinaliwanag ni Lopez na ang ECC ay dokumentong ibinibigay ng DENR Secretary o ng regional executive director nito upang kumpirmahin na ang mga mungkahing proyekto ay hindi makasisira kapaligiran o kalikasan. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter