AFTER Jaya, may isa pang sikat na singer na maaaring lumipat sa ABS-CBN. Ang tinutukoy namin ay si Ogie Alcasid.

Diretsahang inamin ni Ogie Alcasid na matatapos na ang kontrata niya sa TV5 kaya very open siya sa posibilidad na maging isang Kapamilya talent.

“Thankful ako sa network ko ngayon kasi hindi nila ako nire-restrict. Sa totoo lang naman, eh, wala kaming show ngayon, wala kaming ibang content kung saan ako puwede lumabas, so naiintindihan naman nila ‘yun,” paliwang ni Ogie.

Mag-uusap pa naman daw sila ng kanyang manager. Kailangan pa rin naman daw ang pagpaplano nila para sa kanyang career.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Anything is possible. Pero ang feeling ko sa three years being with TV5 we weren’t able to accomplish what we were supposed to accomplish,” sey pa ni Ogie.

Samantala, inamin ng mister ni Regine Velasquez na nag-enjoy siya nang husto sa ginawa nilang number sa ASAP para kay Maestro Ryan Cayabyab kamakailan.

Marami ring magagandang feedbacks na ipinarating sa kanya ng fans niya na halos lahat ay nagsasabing dapat na rin siyang mainstay ng sikat na Sunday musical show ng ABS-CBN. (Jimi Escala)