KUWENTO ng isang maituturing na himala sa dagat na pagbibidahan ni Lauren Young ang mapapanood sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado ng hapon.

Nauwi sa aksidente ang masaya sanang outing nina Marissa (Lauren). Kasama ang kanyang boyfriend at ilang mga kabigan, sumakay sila ng bangka para mag-island hopping sa Cebu. Pero pinasok ng tubig ang bangka at kinailangan nilang salukin palabas ang tubig na mabilis ang pagtaas sa kanilang kinasasakyan.

Sa pagyuko ni Marissa, sumabit ang kanyang mahabang buhok sa makina ng bangka. At sa lakas ng puwersa ng ikot, malaking bahagi ng anit niya ang nabunot.

Sa tindi ng sugat niya sa ulo, iisiping hindi na siya mabubuhay sanhi ng disgrasya. Agad siyang itinakbo sa ospital at habang inooperahan, nakarating sa isang kuweba si Marissa na may isang lalaking kumausap sa kanya at sinabing hindi pa niya oras. 

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Makakasama ni Lauren sina Glenda Garcia at Rez Cortez para isabuhay ang mga tagpong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.