Halos nagkalasug-lasog ang katawan ng isang kartero nang mabangga ng van ang sinasakyan niyang bisikleta sa Tondo, Manila, nitong Miyerkules ng hapon.

Tinangka pa umanong isalba ng mga doktor ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang buhay ni Ramillito Negapatan, 23, ng Building A, 204 Kagitingan St., Barangay 43, Zone 3, district 1, sa Tondo, na napuruhan sa ulo at nagkabali-bali ang mga buto sa katawan.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng van na si Ricaldo Argente, 49, ng Don Pablo Subdivision, Ringon, Valenzuela City.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Accident Investigation Section ng Special Investigation and Detection Branch, dakong 12:30 ng hapon binabagtas ng biktima ang Jose Abad Santos Avenue, malapit sa kanto ng P. Algue St., sa Tondo, nang mabangga ng van na minamaneho ng suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property. (Mary Ann Santiago)