HINDI malaman ng nakausap naming ABS-CBN executive kung ano ang tunay na rason ng pagtanggi ni John Lloyd Cruz sa pelikulang inialok ng Star Cinema sa kanya.

Ayon sa aming source, dalawang magagandang material na ang ipinadala nila kay John Lloyd pero parehong inayawan iyon ng actor.

Ang isa ay pelikula with Vice Ganda at ang isa pa ay magandang project rin ang magiging leading lady ni Lloydie ay si Arci Munoz.

Ang ipinagtataka ng kausap namin, bakit parehong tinanggihan ni John Lloyd samantalang bagay na bagay daw sa kanya ang roles na gagampanan niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“’Di namin talaga alam kung bakit ayaw niyang gumawa ng pelikula, samantalang wala naman siyang gaanong pinagkakaabalahan sa ngayon,” sey pa ng kausap namin.

Just The 3 of Us ang last movie ni John Lloyd katambal si Jennylyn Mercado. Tapos na rin namang gawin ng actor ang indie movie na Ang Babaeng Humayo na pinagbibidahan ni Ms. Charo Santos.

“Bukod tanging comedy show nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home ang ginagawa niya, kaya kung gugustuhin niya, eh, p’wede naman talagang gumawa siya ng pelikula,” sey pa ng source. (JIMI ESCALA)