ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 26-anyos na babae at 27 iba pa ang nasugatan matapos na mawalan ng preno ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep hanggang sa tuluyang sumalpok sa isang puno ng sampaloc sa Zamboanga City, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Zamboanga City Police Office Information Officer Chief Insp. Helen Galvez ang nasawi na si Julie Lozano y Ignacio, 26 anyos.

Ayon kay Galvez, patungong bayan ang jeep na minamaneho ni Wilfredo Alejandro Francisco dakong 6:50 ng umaga nang mangyari ang aksidente. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog