TILA naging actress/investigative journalist si Lea Michelle nitong nakaraang Lunes. Kasama ng aktres ng Scream Queen ang co-stars niyang sina Taylor Lautner at John Stamos sa Facebook Live Q and A para sa preview ng bagong season ng kanilang sikat na palabas sa Fox, pero nang mapunta ang pag-uusap sa nakaraan ng Twilight star, mabilis na itinanong ni Lea kay Taylor ang sikat niyang ex-girlfriend na si Taylor Swift.

Hindi nagtagal ang pagiging magkasintahan ng dalawang Taylor simula nang magkatagpo sa set ng rom-com na Valentine’s Day, at matagal na rin ang usap-usapan na ang ballad na Grammy winner noong 2010 na Back to December ay tungkol sa kanilang pag-iibigan.

“Didn’t she write a song about you?” tanong ni Lea kay Taylor. “That’s what she does,” ani Taylor, na halatang hindi komportable sa tanong. “She writes songs.” Nang aminin na siya ay Swiftie, hindi na matandaan ni Lea ang pamagat o lyrics at tono ng nasabing kanta. “Something about, ‘If I would have known / I wouldn’t have done that / I’ll make you a hat,’” aniya. “Something about a hat! I don’t know!”

Nang hindi na madugtungan ni Lea ang kinakanta, tinulungan siya ni Taylor para maalala ito. “It’s called Back to December,” sabi ni Taylor na nakangiti. (ET Online)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter