Maja2 copy

IPINALIWANAG sa amin ng isang taga-Star Magic na walang katotohanan ang isyung tinanggal si Maja Salvador sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pag-aastang superstar.

Ayon sa source namin, sobrang pang-iintriga naman daw ‘yun kay Maja na sa tagal na sa showbiz ay hindi nakitaan ng attitude na nag-feeling malaking artista.

Malaking kasinungalingan din daw ang sinasabing tinanggal si Maja dahil ang aktres mismo ang kusang nagpaalam sa show. May mga kadahilanan daw si Maja na ibinigay sa mga namamahala ng Ang Probinsiyano pati na rin siyempre sa bidang si Coco Martin.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi namin alam kung bakit may mga lumabas na ganu’ng isyu, pero sa totoo lang si Maja ang kusang nagpaalam at hindi siya tinanggal,” sey pa ng source.

May mga tao lang daw na gumawa ng isyu. So, ano ba talaga ang dahilan ng biglaang pagpapaalam ni Maja sa show?

“Sa pagkakaalam namin, eh, marahil, hindi na masaya si Maja sa takbo ng istorya ng serye. Kumbaga, may mga nakakapansin kasi na parang nawawala na raw at hindi na gaanong nabibigyan ng atensiyon ang pagiging leading lady ni Maja,” diretsang sagot ng source namin.

Ibang rason ito sa naiulat last week na may iba nang trabahong naghihintay kay Maja.

Samantala, tungkol naman sa isyung nagkakamabutihan na sina Maja at John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ng kausap namin na kung sakaling totoo mang nagkakaligawan ang dalawa ay walang masama dahil pareho namang “single” ang mga ito.

Parehong walang commitment ang dalawa ngayon. Kabi-break lang ni Lloydie kay Angelica Panganiban at walang nangyari sa papunta na sana sa “ligawan stage” nina Coco at Maja, huh! (Jimi Escala)