Ni JIMI ESCALA

Joseph MarcoMASAYANG-MASAYA si Joseph Marco na nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa maganda at top-rating soap opera na pinagbibidahan ng mga super sikat na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ang tinutukoy ni Joseph ay ang teleseryeng Dolce Amore na ipinapalabas sa Primetime Bida ng Kapamilya Network. Pero medyo nalungkot si Joseph dahil more than two weeks na lang ay mamaalam na sa ere ang Dolce Amore.

“Really, I’m just thankful lang talaga kasi nakasama ako sa cast. Alam naman nating lahat na very successful ‘yung palabas and working alongside with Liza and Enrique, eh, ang saya ko,” sey pa ni Joseph.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng guwapong actor, hindi niya makakalimutan ang experience niya working with Liza at Enrique. Sobrang ang sarap daw makatrabaho ng dalawa at sana nga raw ay mabigyan pa siya uli ng pagkakataon na makatrabaho ang dalawa.

“Si Liza, eh, sobrang pretty niya, talented pa, sobrang hindi mo makakalimutan ang mga experience ko working with her. Enrique is a cool guy. Kahit pagod na pagod na siya,eh, talagang trabaho pa rin. Nakakatuwa silang dalawa,” sey pa ng actor.

Dagdag pa ni Joseph, habang katrabaho niya sina Liza at Enrique ay naramdaman niya na parang matagal na niyang katrabaho ang dalawa.

“Hindi ko na-feel na baguhan ako du’n,” sey pa rin ng Kapamilya actor.

Hindi rin niya makakalimutan ang role na ginampanan niya. Nang magpahinga ang karakter ni Matteo sa soap ay si Joseph ang naging karibal ni Enrique kay Liza.

“Hindi ko akalain na maging ganu’n ang role ko. Kumbaga, ini-expect ko na parang guguluhin ko lang ang tambalan nila pero iba ang nangyari. It’s something na hindi ko pa nagagampanan ang ganu’ng role,” sey pa rin ni Joseph Marco.