Ipinaramdam kapwa ng reigning seniors champion Arellano University at juniors titlist San Beda College ang kahandaang maipagtanggol ang hawak nilang titulo matapos magtala ng impresibong panalo sa pagbubukas ng NCAA Season 92 chess tournament sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Naghahangad ng kanilang ika-4 na sunod na kampeonato,winalis ng Arellano Chiefs na binubuo nina Kyz Llantada sa board 1, Carlo Caranyagan (2), Tyrone de los Santos (3), at Joshua Arias (4) ang mga nakatapat na manlalaro ng Emilio Aguinaldo College na sina James Perez, Francis Gonzales, Kenneth Delis at Ricky Punzalan ayon sa pagkakasunod para maitala ang 4-0 panalo sa first round.

Kasama nilang nagwagi sa kani-kanilang unang laro ang College of St. Benilde, Lyceum of the Philippines, San Beda, at Letran.

Ginapi ng Blazers ang San Sebastian College, 3.5-.5, iginupo ng Red Lions ang host JRU, 3.5-.5, winalis din ng Pirates ang University of Perpetual Help, 4-0 at pinataob ng Letran ang Mapua, 3-1.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa juniors division, inumpisahan ng Red Cubs ang kanilang back-to-back championship bid sa pamamagitan ng 3.5-.5 na paggapi sa JRU Light Bombers. - Marivic Awitan