Barbie FortezaMAY reason kung bakit masayang-masaya ngayon ang tween superstar na si Barbie Forteza.

No, hindi lang dahil may lovelife siya kundi dahil tuluy-tuloy ang kanyang journey sa acting forte niya.

Two years ago, nanalong Best Supporting Actress si Barbie sa 10th Cinemalaya Film Festival para sa Marquina. Ngayon, masaya, excited pero ninenerbyos si Barbie dahil ang feature film niyang Tuos kasama si Nora Aunor, ay isa uli sa sinasabing malakas ang laban para sa awards ng 12th Cinemalaya Film Festival. Lalo na nang biruin siya ng press na siya ang mananalong Best Actress, dahil muli raw niyang pinatunayan ang kahusayan niya sa pag-arte.  

Gumaganap sa Tuos si Barbie bilang tribe princess, na sumusunod sa lumang tradisyon ng kanilang angkan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Naku, hindi po, si Ate Guy iyon,” napatiling sagot ni Barbie. “Pero ibinigay ko po naman ang best ko nang gawin namin ang movie. Yes. may love scene kami ni Ronwaldo Martin, pero wala pong kissing scene. Tungkol sa family angTuos. As Filipinos, I think, lagi po tayong may malaking puso para sa ating pamilya at laging ang kapakanan nila ang una sa atin. Sana po ay naipakita ko ito sa aming pelikula.”

Ngayon Lunes, August 8, 6:00 PM, ang gala premiere ng Tuos sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultrual Center of the Philippines.

Dadalo si Barbie na first time pa lamang mapapanood ang buong movie na idinirehe niDerick Cabrido at finalist sa main competition.

Naka-schedule na rin si Barbie na mag-attend ng awards night sa Sunday, August 14, sa main theater ng Cultural Center of the Philippines.

Biniro si Barbie kung manonood ba ang kanyang special someone.

Tikom ang bibig ng dalaga, pero alam na ng press kung sino ang special someone niya. Sinagot na lamang niya ang mga tanong tungkol sa katatapos lang na 19th birthday celebration niya.

“Memorable po ang July 31, my 19th birthday. Nanood ako ng concert ni Selena Gomez sa SM Mall of Asia Arena. Then sinundo niya ako at nag-dinner kami sa Seaside, malapit lang sa MOA. Ang birthday gift niya sa akin, isang running shoes, para raw tumakbo na ako at gumanda ang katawan ko. I think dapat na rin pong gamitin ko ang gift para hindi naman nakakahiya na ang ganda ng katawan niya ngayon.”

May inihahanda nang bagong project ang GMA-7 na muli nilang pagtatambalan ni Andrei Paras. Pero baka early next year na iyon umere.

Regular pa rin siyang napapanood sa Sunday Pinasaya at naggi-guest muna siya sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network. —Jimi Escala