KRIS AquinoMAY bagong role si Kris Aquino na nagugustuhan ng kanyang fans at ito’y ay ang pagiging movie reviewer. Mukhang nag-i-enjoy si Kris sa pagiging movie reviewer lalo na sa local movies.

Una niyang ni-review ang Imagine You & Me nina Alden Richards at Maine Mendoza at sa ganda ng sinulat niya sa Instagram (IG), maging ang followers niya na non-AlDub fans, pinanood ang pelikula.

Sunod na ini-review ni Kris ang How To Be Yours  nina Bea Alonzo at Gerald Anderson at maganda na naman ang review niya. Katunayan, nagkaroon pa nga ng diskusyon sa IG post niya ang kanyang followers.

Part ng review ni Kris, “I appreciated how much truth Direk Dan Villegas gave the characters of Anj (Bea in her raw, luminous best) & Nio (Gerald) showing heart melting vulnerably) that in a relationship we can lose objectivity & feel we’ve given our all, when actually the other still feeld shortchanged. I  don’t want to say more because the movie is a must watch & I don’t want to be a spoiler.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, maganda ang pananahimik ni Kris sa lumutang na isyung gagawa siya ng movie with AlDub, movie with Vic Sotto at lilipat sa GMA-7 via APT Entertainment. Sa tamang panahon, magsasalita siguro si Kris tungkol sa mga isyung ito. —Nitz Miralles